Naaresto ng mga tauhan ng Dasol Police Station ang itinuturing na Top 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan matapos pagsilbihan ng warrant of arrest noong Mayo 13 sa Barangay Poblacion.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court. Inirekomenda naman ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang operasyon, agad na dinala ang nadakip sa Dasol Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, bahagi ang operasyon sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted person sa lalawigan bilang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at matiyak ang patas na pagpapatupad ng batas alinsunod sa karapatang pantao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣



