PRIBADO AT PAMPUBLIKONG SASAKYAN SA DAGUPAN CITY, UMIIWAS SA KALSADANG MAY BAHA; LAGAY NG TRAPIKO, APEKTADO

Umiiwas sa mga pangunahing kalsada na lubog ng baha ang mga pribado at pampublikong sasakyan sa Dagupan City.

Patuloy kasing nananatili ang mataas na tubig baha sa mga pangunahing kalsada sa Dagupan.

Tulad na lamang A.B Fernandez St, Downtown area, Rizal St., Burgos St., Mayombo at Tapuac dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat idagdag pa ang epekto ng high tide.

Sa ibinahagi ni Mayor Belen Fernandez sa kanyang facebook live, sinabi nito na isa sa mga dahilan kaya’t binabaha ang ilang kalsadang ito ay ang kawalan ng dike sa bahagi ng Rizal St. na pipigil sa tubig mula sa ilog na lulubog sa kalsada.

Sa kasalukuyan, binabagtas ng mga pribado at pampublikong sasakyan ang Jose De Venecia Avenue na karugtong ng Arellano St. kung saan mataas ang kalsada at walang baha.

Ngunit pagsapit ng rush hour, mapapansin na ang mabagal at halos bumper-to-bumber na galaw ng trapiko mula arellano st. junction at bahagi ng Jose De Venecia Avenue.

Samantala, patuloy naman ang POSO Dagupan sa pagmamando at pagpapatupad sa batas trapiko para sa maayos na daloy sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments