CBCP, wala pang nakikitang top contender para maging susunod na Santo Papa

Nilinaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na walang top contender sa mga posibleng susunod na Santo Papa taliwas sa naglalabasang ulat.

Sa isang panayam kay Fr. Jerome Secillano ang executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs, sinabi nito na sa 255 cardinal nasa 135 ang maituturing na cardinal elector na wala pang 80-taong gulang.

Aniya, ang mga nasabing cardinal electors ang magde-desisyon kung sino talaga ang karapat-dapat na maging Santo Papa.

Sa ngayon, hindi pa nagtatakda ng petsa kung kailan sisimulan ang conclave o ang botohan ng mga cardinal electors para sa susunod na Santo Papa.

Pero maaari naman itong isagawa matapos ang 15 hanggang 20 araw mula ng yumao si Pope Francis kung saan nasa tatlong Pilipinong cardinal ang makikibahagi sa conclave.

Facebook Comments