
Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na handa siyang makipagsundo sa mga Duterte para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Sa kaniyang podcast, sinabi ng pangulo na ayaw na niya ng gulo dahil marami na siyang kaaway at ayaw niya ng madagdagan pa ito.
Ayon sa pangulo, hangga’t maaari sana ang habol aniya niya ay katatagan at kapayapaan ng bansa para magawa nang maayos ang mga trabaho.
Sabi ng pangulo, kahit hindi na aniya sila magkasundo sa polisiya basta’t magtulungan lamang na maipatupad ang mga programa na para sa mga Pilipino.
Lagi aniya siyang bukas sa anumang pamamaraan ng pakikipagtulungan.
Facebook Comments