
Nagsimula na ang ikatlong araw ng oral arguments sa Korte Suprema kaugnay sa petisyon na kumukuwestiyon sa paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa National Treasury.
Sa pagsisimula ng oral arguments, ipinagpatuloy ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier ang pagkuwestiyon kung bakit kinailangang ilipat ang pondo.
Unang sumalang ang government corporate counsel na si Solomon Hermosura kung saan tinatanong siya sa binanggit nito noong unang oral arguments tungkol sa subsidiya na isang matter of political negotiation.
Ganito rin ang itinatanong ng mahistrado kay PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco, Jr. kung saan ipinaliwanag nito kung paano ang nagiging hatian ng pondong ilalagak sa ahensya.
Pero isang oras pa lamang ang nakakalipas, nagigisa na agad ang opisyal ng PhilHealth sa mga tanong ng mahistrado.
Kasalukuyan namang nagtanong si Associate Justice Antonio Kho Jr.