Philippine Embassy, nag-abiso na bawal ang pagdadala at paggamit ng E-Vaporizers sa Singapore

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa mga Pilipino sa Singapore, gayundin sa Filipino travellers na ang pagdadala ng e-vape o e-vaporizers at ang paggamit nito doon ay iligal.

Sa abiso ng embahada, ang pagdadala ng e-vape sa Singapore ay may katapat na multang $2,000.

Habang ang convicted naman sa naturang paglabag ay maaaring magmulta ng hanggang $10,000, o pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.

Sa second offense naman ay multang hanggang $20,000, o pagkakakulong ng hanggang 12 buwan.

Kukumpiskahin ang tobacco items at maaaring mapa-deport kapag dayuhan, at hindi na muling papayagang makapasok sa Singapore.

Facebook Comments