Utos na “courtesy resignation” ni PBBM sa Cabinet members, sinuportahan ng ilang mga senador

Kinatigan ng ilang senador ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos na “courtesy resignation” sa lahat ng cabinet members nito.

Ayon kay Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada, wala siyang nakikitang mali sa aksyon ng presidente dahil bilang Chief Executive at appointing authority, ginagawa lamang niya ang kanyang discretion.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil ito ay hakbang sa tamang direksyon at bahagi ito ng tunay na reporma para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyon.

Para kay Deputy Majority Leader JV Ejercito, marahil ay ibinabase ng Pangulo sa naging resulta ng eleksyon ang kanyang kautusan kung saan posibleng paraan ito para mag-perform na ang mga ahensya matapos maisantabi ang mga programa.

Sa tingin naman ni Senator-elect Tito Sotto, ang baka-sakaling aksyon na ito ni Pangulong Marcos ay mistulang pag-evaluate na rin sa kanyang gabinete.

Facebook Comments