PHIVOLCS, nakapagtala ng 23 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon

Inihayag ngayon ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na nakapagtala ng 23 volcanic earthquakes ang ahensiya sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Batay sa datos na ipinalabas ng PHIVOLCS, sa nakalipas na 24 oras na monitoring, nasa 4,186 na tonelada ng sulfur dioxide flux ang nairehistro.

Paliwanag pa ng PHIVOLCS na 75 metrong taas katamtaman ng usok mula sa crater at walang patid na pagsingaw ang panaka-nakang pag-abo ang napapadpad sa Timog Kanluran.


Dagdag pa ng PHIVOLCS na nananatiling may pamamaga ng lupa kaya’t nananatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon kaya’t pinaiiwas ang laglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid na lumapit o tumapat sa crater ng Bulkan.

Nanatili pa rin ang 6km Extended Danger Zones sa palibot ng Bulkan Kanlaon at posible pa rin ang banta ng pagputok.

Facebook Comments