Friday, August 14, 2026

Mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, dapat magpatupad ng uniform anti-littering ordinance

Iginiit ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa bawat lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magtulungan at bumuo ng kasunduan para sa pagpapatupad ng iisang ordinansa laban sa pagkakalat o hindi tamang pagtatapon ng basura.

Layunin ng mungkahi ni Santos na mapanatili ang kalinisan sa Kalakhang Maynila at matuldukan ang pagkakalat o hindi tamang pagtatapon ng basura na isa sa mga sanhi ng pagbaha.

Paliwanag ni Santos, ang mga lungsod sa Metro Manila ay magkaka-konekta kaya mas mainam ang pagpapatupad ng uniform anti-littering ordinance.

Suhestyon ito ni Santos, makaraang ihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na nahaharap tayo sa krisis sa basura na nangangangailangan ng komprehensibo at pangmatagalang solusyon.

Bunsod nito ay binigyang-diin ni Santos na kailangang bumuo ng komprehensibong master plan na susuportahan ng mas malalakas at magkaka-ugnay na polisiya ng mga local government units sa buong Metro Manila.

Facebook Comments