Senate Minority Leader Koko Pimentel, handang manguna sa pagbalangkas ng impeachment rules

Handa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang pagbalangkas ng impeachment rules para sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa naging rekomendasyon ni Senate Committee on Rules Chairman Francis Tolentino na manguna si Pimentel sa pag-draft ng impeachment rules para sa impeachment case kay Duterte sa ilalim ng isang special subcommittee.

Ayon kay Pimentel, walang problema sa kanya lalo’t lima lang silang abogado sa Senado kaya posibleng wala na ring ibang choice o mapagpipilian.


Sinabi ng Senate Minority Leader na hihintayin lamang niya ang kanyang official assignment at tatalakayin niya agad sa kanyang mga staff ang pagbalangkas sa impeachment rules.

Dagdag pa ng mambabatas, tulad ni Tolentino ay kandidato rin siya ngayong midterm elections subalit handa siyang ilaan ang kanyang oras sa impeachment dahil bahagi ito ng kanilang tungkulin.

Facebook Comments