Planong pagganti ng mga taga-suporta ng pamilya Parojinog, namonitor ng PNP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na may gagawing pagganti ang pamilya ng napaslang na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog sa mga pulis.

Ayon kay Dela Rosa, batay sa nakuha nilang impormasyon sakay ng dalawang malaking bangka at galing umano ng Culambugan sa Lanao Del Norte ang dagdag pwersa ng pamilya Parojinog.

Kaya naman sinabi ni Dela Rosa na inatasan na niya ang regional director ng PNP region 10 na magdagdag pwersa.


Isang company ng regional public safety battalion aniya ang ipinadala sa Ozamiz City para tumulong sa pagsasagawa ng checkpoint at pagpapanatili sa peace and order sa lugar.

Sinabi pa ni General Bato na dapat maging alerto ang PNP lalo pa’t malaking grupo at established na political personalities ang kanilang nakabangga ngayon.

Kaugnay nito, hindi rin isinasantabi ni Dela Rosa ang posibilidad na maaring samantalahin ng ibang grupo ang sitwasyon sa Ozamiz ngayon at palabasin na gumanti lamang ang Pamilya Parojinog.

Facebook Comments