PNP Chief, bibisita sa burol ng dalawang pulis na nasawi sa isang buy-bust operation sa Bulacan

Dadalaw si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa burol ng 2 pulis na namatay sa kasagsagan ng isang buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan noong Sabado, March 8, 2025.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director Police Brigadier General Jean Fajardo kung saan gagawaran din ng parangal ang dalawang nasawing alagad ng batas.

Ani Fajardo, nais ni Marbil na makausap ng personal ang mga naulilang mahal sa buhay ng dalawang pulis.

Una nang nangako ang liderato ng Pambansang Pulisya nang tulong sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Tiniyak din ng PNP na papanagutin sa batas ang mga suspek na kinilalang sina alias Bagat na nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad at kaniyang kapatid na subject ngayon ng hot pursuit operation na si Edison Malubay Bayumbon o alias Xander.

Facebook Comments