PNP-HPG, handang umasiste ngayong panahon ng tag-ulan

Nakahanda ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na umalalay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay PNP HPG Spokesperson Lt. Nadame Malang, naka preposisyon na ang ilan nilang kagamitan gaya ng chainsaw para sa pagputol ng mga bumagsak na sanga ng puno at mga generator sets na magagamit sakaling mawalan ng kuryente sa mga field offices.

Dagdag pa ni Malang, nakaantabay rin ang HPG sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, lalo na kung may mga roadblock na isasaayos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.

Bukod dito, ipinamahagi na rin ng HPG ang humigit-kumulang 733 handheld radios sa kanilang mga tauhan sa buong bansa na bahagi ng full implementation ng 911 hotline sa ilalim ng direktiba ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.

Facebook Comments