Bahagyang umanong tumaas ang presyo nf ilan sa mabibiling gulay sa bahagi ng Calasiao Public Market ayon sa ilang vegetable vendors.
Nagkaroon umano ng pagtaas ng sampung piso hanggang kwarenta pesos ang ilan sa piling gulay tulad ng pechay na nasa 120 pesos per kilo kumpara noon na masa 80 pesos at kamatis na nasa 120 pesos per kilo mula sa 60 pesos nitong presyo.
Wala namang pagbabago sa presyo ng ilang sa dahon-dahong gulay tulad ng talbos ng kamote, saluyot at kangkong nasa 20 pesos pa rin kada tali.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, dulot ng nararanasang pag-uulan ang pagtaas sa ilang gulay na inilalako sa nasabing palengke. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










