Presyo ng kamatis, mabibili ng P20 kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila

Bagsak ang presyo ng kamatis sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa isang pamilihan sa kahabaan ng Taft Avenue, mabibili na lang ang isang kilo ng kamatis sa P20 hanggang P25.

Habang sa Pasay City Public Market naman ay nasa P30 hanggang P40 ang kada kilo.


Sa Cartimar Market, ang kada kilo ng kamatis ay nasa P50 hanggang P70.

Malayo na ito sa presyo ng kamatis noong nakaraang Enero kung saan sumipa ito sa P300 kada kilo.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na walang oversupply sa kamatis

Kaakibat nito, ang presyo ng pulang sibuyas sa ilang mga pamilihan ay nananatiling mataas at naglalaro sa P160 hanggang P200 kada kilo.

Facebook Comments