PRO2, LUMAGDA TUNGO SA MAPAYAPANG ELEKSYON

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng Police Regional Office 2 (PRO2) at Commission on Elections (COMELEC) ang paglagda ng Solidarity Pact para sa 2025 National and Local Elections at BARMM Parliamentary Elections sa Lungsod ng Tuguegarao.

Binigyang diin ni Regional Director Police Brigadier Antonio Marallag Jr. na ang inisyatibong ito ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng mga government agencies, uniformed personnel, at komunidad upang matiyak ang ligtas at patas na halalan.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kinatawan mula sa AFP, PCG, DILG, DepEd, PIA, NICA, DICT, NGOs, at faith-based leaders kung saan siniguro ng mga ito na susugpuin nila ang karahasan, pagpapalaganap ng maling impormasyon, at itaguyod ang karapatan ng mga botante.


Samantala, muling pinagtibay ni COMELEC Regional Director Ederlino U. Tablas ang pangakong mapayapa at maayos na eleksyon sa pamamagitan ng papel na kasunduan.

Facebook Comments