
Aarangkada na bukas ang public hearing para sa minimum wage adjustment sa National Capital Region (NCR).
Layon nitong pakinggan ang panig ng nasa sektor ng gobyerno, mga investors, manggagawa at ibang grupong may interest sa pasahod.
1:30 PM bukas, June 17, idaraos ang public hearing sa Occupational Health and Safety Center sa Diliman, Quezon City.
Pagkatapos nito pa lamang madedesisyunan kung magkano ang magiging bagong minimum wage at isasalang ang Wage Order sa National Wages and Productivity Commission para suriin kung pasok ito sa Wage Rationalization Act at inamyendahang Omnibus Rules on Minimum Wages Determination.
Oras na maaprubahan ng komisyon, Saka pa lamang ilalathala ng Regional Board ang Wage Order sa mga pahayagan.
Magiging epektibo naman ang umento sa sahod makalipas ang 15 araw mula nang ito ay mailathala.
Sa ngayon, nasa P608 hanggang P645 ang minimum wage sa Kalakhang Maynila at huling nagpatupad ng P35 na dagdag-sahod noong Hulyo ng nakaraang taon.