8 chief of police sa Metro Manila, sibak dahil sa palpak na 5-minute response time

Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang walong chief of police sa Metro Manila matapos mabigong maipatupad ang 5-minute response time sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga chief of police na na-relieve sa pwesto ay nakatalaga sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque, at Makati.

Ayon kay Gen. Torre, may mga susunod pang opisyal na matatanggal sa pwesto kung hindi sila makakasunod sa panuntunan.

Idinagdag pa ni Torre na kanyang ide-deklarang “open” ang mga nabakanteng posisyon upang bigyan ng pagkakataon ang iba pang interesadong opisyal na kwalipikado at may kakayahang magpatupad ng kanyang direktiba.

Nilinaw rin ni Torre na hindi isyu ang paggamit ng radyo kundi ang kakayahang mag-utos at makapagresponde agad sa mga sitwasyon lalo na kung emergency.

Samantala, nang bumisita si Torre sa Iloilo, binigyan din niya ng caution ang isang provincial director dahil sa kahalintulad na isyu.

Facebook Comments