Friday, July 10, 2026

PUBLIKO, HINIKAYAT NA TANGKILIKIN ANG LOKAL NA HANDICRAFTS NG MANAOAG

‎Hinikayat ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga lokal na produktong handicrafts ng Manaoag, Pangasinan upang makatulong sa mga pamilyang patuloy na umaasa sa industriyang ito bilang kabuhayan.

‎Sa mga barangay ng Pao, Pugaro, at Lipit Sur, iba’t ibang makukulay at malikhaing produktong handicrafts ang makikita tulad ng mga muwebles, baskets, at iba pang kagamitan na gawa ng mga lokal na artisan.

‎Dekada na ang itinagal ng industriya ng handicrafts sa Manaoag kung saan halos lahat ng barangay ay may mga pamilyang sangkot sa ganitong hanapbuhayDekada na ang itinagal ng industriya ng handicrafts sa Manaoag kung saan halos lahat ng barangay ay may mga pamilyang sangkot sa ganitong hanapbuhay.

‎Ginagamit sa paggawa ng mga produkto ang mga materyales tulad ng rattan at buri palm fibers na nagmumula sa Pozorrubio, San Jacinto, Pampanga, at La Union bago iproseso bilang mga natapos na produkto.

‎Bahagi na umano ito ng kanilang tradisyon dahil ang kaalaman sa paghahabi, pag-ukit, at pagbaluktot ng rattan at buri ay minana mula sa mga ninuno at magulang at ipinapasa naman sa mga susunod na henerasyon.

‎Ginagamit ang mga gawang handicrafts ng Manaoag sa mga kapistahan, street dancing, dekorasyon sa iba’t ibang ahensya, at iba pang aktibidad. Bultuhan din ang paggawa ng mga ito kaya naibebenta ang mga produkto sa abot-kayang halaga.

‎Sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa mga lokal na handicrafts, inaasahang mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga manggagawa at mapananatili ang tradisyong ipinagmamalaki ng mga Manaoagueño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments