QC-LGU, nagbigay na rin ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral na mapupunta sa ilang pribadong paaralan

117
COURTESY: QUEZON CITY GOVERNMENT FB

Nag-alok na rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng libreng pag-aaral ng ibang estudyante sa lungsod na makapag-aral sa mga pribadong paaralan ngayong School Year 2020-2021.

Ito’y matapos makipagkasundo ng lokal na pamahalaan sa National Teachers College at APEC Schools sa ilalim ng Yuchengco-Ayala Education partnership o I-people Incorporated para rito.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nagbibigay daan ito sa mga mag-aaral para makapag-enroll at makapag-aral sa pribadong paaralan.

Binigyang diin ng alkalde na maraming pagpipilian ang mga estudyante at ang kanilang magulang pagdating sa pagpili ng eskuwelahan at paano maipagpapatuloy ang kanilang edukasyon.

Sa lahat na interesado, maaari nilang tawagan ang NTC Scholarship Office sa contact number na 09165620606 at APEC Schools helpdesk sa 77202620 or 09179567621 para sa iba pang detalye.

Facebook Comments