Tuloy tuloy pa rin ang pamamahagi ng RELIEF Operation maging ang Rescue Operations sa bayan ng Calasiao Kahapon, Agosto 13, 2026.
Nagsagawa ng relief operation ang lokal na pamahalaan para sa mga pamilyang patuloy na nangangailangan ng tulong dahil sa epekto ng baha.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Kristine Joy Soriano, Spokesperson ng DRRMO, patuloy na pinaiigting ng kanilang tanggapan, katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies, ang paghahatid ng tulong at pagtugon sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Sa mga isinagawang distribusyon, namahagi ang lokal na pamahalaan ng bigas at sariwang bangus bilang agarang food assistance sa mga apektadong pamilya.
Dagdag ni Soriano, layunin ng relief operation na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente, partikular ang kanilang pagkain, habang patuloy na nararanasan ang epekto ng pagbaha.
Samantala, nagpapatuloy rin ang monitoring at rescue operations sa mga lugar na nangangailangan ng agarang responde.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na patuloy nitong tututukan ang kalagayan ng mga apektadong pamilya at sisikaping maihatid ang kinakailangang tulong upang makabangon ang mga ito mula sa epekto ng baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








