Reorganization sa Philippine Navy, pagpapalakas sa depensa ng bansa sa WPS

Suportado ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang reorganization ng Philippine Navy para mapaigting ang ating depensa sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pagpapalakas sa ating hukbong pandagat ay nagpapatunay ng dynamism ng ating armed forces at ang kanilang commitment na tuparin ang kanilang mandato para protektahan ang integridad at soberenya ng bansa.

Sinabi ni Tolentino na para sa epektibong pagpapatupad ng Philippine Maritime Zones Law, kailangan ng bagong command na nakatutok sa maritime security at pagpapahusay ng response capabilities sa WPS.

Naniniwala ang mambabatas na mapaghuhusay nito ang koordinasyon sa pagitan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police Maritime Group.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang unified command sa WPS ay makapagbibigay ng focus, leadership resources at operational capabilities para maprotektahan ang ating maritime domain.

Facebook Comments