Resulta ng Cumulative Impact Assessment ng reklamasyon sa Manila Bay, inilabas na — DENR

Wala umanong malalang epekto ang 22 na reclamation projects sa Manila Bay sa marine life.

Ito umano ang lumabas sa isinagawang Cumulative Impact Assessment ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga reklamasyon sa Manila Bay.

Pero ayon sa Physical Oceanographer ng Marine Environment and Resources Foundatio Dr. Charina Lyn-Repollo, makaaapekto sa natural na daloy ng tubig ang mga proyekto dahil haharangan nito ang daluyan ng mga ilog.

Aniya, mararamdaman natin ang epekto ng reklamasyon kapag tumama ang malalakas na bagyo kung saan umaapaw ang mga ilog na konektado sa Manila Bay.

Ayon naman kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, rerebyuhin na nila ang mga ECC ng mga proyektong pang-reklamasyon batay sa resulta ng pag-aaral.

Una nang sinabi ng kalihim na kaagad silang magsusumite ng rekomendasyon sa pangulo at sa Korte Suprema para ipatigil ang mga proyekto oras na lumabas ang resulta ng Cumulative Impact Assessment.

Facebook Comments