
Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, may standby funds ang pamahalaan at nakahanda na rin ang mga relief stockpile ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para agad na maibigay ang tulong.
Inatasan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si DSWD Secretary Rex Gatchalian na suriin ang lugar at tiyakin ang maayos na distribusyon ng food packs at serbisyo sa mga evacuation centers.
Sa ngayon naka-preposition na ang mga food packs at nagkaroon rin ng mobile kitchen sa Barangay Tughan, Juban, Sorsogon.
Nagsagawa na rin ng aerial reconnaissance sa lugar ang provincial government para mabatid ang lawak ng epekto ng pag-aalburuto ng bulkan.