RIDER, NASAWI MATAPOS SUMALPOK SA ISANG SUV

Nasawi ang isang rider matapos sumalpok at tumilapon sa kabanggaang SUV sa kahabaan ng national road sa Brgy. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na isang 46 anyos na welder, residente sa bayan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok sa isang SUV ang minamanehong motor ng biktima matapos bigong mapansin na mag-oovertake ito pakaliwa sa daan.
Dahil dito, tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang tinakbuhan naman ng driver ng SUV ang insidente.
Naitakbo pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Napag-alaman na lasing umano ang biktima at hindi nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments