Wednesday, May 6, 2026

LIBRENG HEALTH SERVICES PARA SA KABABAIHAN, HANDOG NG CHO DAGUPAN SA MOTHER’S DAY

Naghahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ng mas pinalawak na libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga kababaihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong linggo.

Itatampok sa programa ang iba’t ibang serbisyong medikal tulad ng breast at cervical screening, mammogram, ultrasound, laboratory, at dental services para sa mga ina.

Bukod dito, magkakaroon din ng mga programang pangkalusugan gaya ng lectures hinggil sa bullying at prostate awareness, gayundin ang isasagawang medical mission katuwang ang isang unibersidad.

Layunin ng mga inisyatibong ito na mas mapalawak pa ang serbisyong pangkalusugan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga kababaihan sa lungsod.

Samantala, umabot sa 862 serbisyong medikal, kabilang ang breast at cervical screening, ang naihatid ng City Health Office (CHO) sa paggunita ng Women’s Month sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments