
Halos magkasing-dami ang mga Pilipino na sumusuporta sa tandem nina Mayor Leni Robredo at Senator Raffy Tulfo kumpara sa tambalan nina VP Sara Duterte at Senadora Imee Marcos bilang presidente at bise presidente sa 2028 elections.
Ito ang lumabas sa survey ng OCTA Research kung saan 45% ng mga Pilipino ang nagsabing iboboto nila ang Robredo-Tulfo tandem, habang 42% naman ang pumili sa Duterte-Marcos tandem para sa hypothetical 2028 presidential at vice presidential match-up.
Walong porsyento naman ang nagsabing wala sa dalawang tambalan ang kanilang iboboto, habang 4% ang undecided at 1% ang tumangging sumagot.
Pero ayon sa OCTA, kahit nasa tatlong percentage points lang ang lamang ng Robredo-Tulfo tandem ay hindi pa rin ito sapat para sabihing nangunguna na talaga dahil sa margin of error.
Nakita na malakas ang Leni-Raffy sa Balance Luzon at NCR, habang tabla sila sa Visayas, pero 90% ang nakuha ng Sara-Imee sa Mindanao.
Isinagawa ang survey noong July 4 hanggang July 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na edad 18 pataas, na may ±3 percentage points na margin of error.










