
Cauayan City — Isang magandang oportunidad ang naghihintay sa mga kabataang Isabeleño matapos mag-alok ng scholarship program ang King Mongkut’s Institute of Technology Ladkrabang (KMITL) mula sa Bangkok, Thailand ng scholarship program para sa mga kwalipikadong estudyante mula sa lalawigan.
Layunin ng programa na bigyang suporta ang mga mapipiling estudyante mula sa lalawigan upang makapag-aral sa nasabing prestihiyosong institusyon.
Ayon kay Ginoong Supun Dissanayaka, kinatawan ng nasabing institusyon, bukas ang oportunidad para sa mga Isabeleñong nagnanais na magtaguyod ng career sa larangan ng agham, teknolohiya, robotics, computer science, electrical engineering, finance, at software engineering.
Inaasahang magiging malaking tulong ito sa pagpapalawak ng kaalaman at pagbibigay ng pandaigdigang karanasan sa mga piling iskolar ng lalawigan.