Sen. Kiko Pimentel, nagpadala ng liham kay SP Chiz Escudero para aksyunan na agad ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte

Nagpadala na ng liham si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Senate President Chiz Escudero para aksyunan na ng Senado ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ni Pimentel na salig sa Article 11, Section 3, Paragraph 4, ng 1987 Constitution, may constitutional mandate ang Senado na umaksyon “forwith” o kaagad sa mga articles of impeachment ni Duterte.

Tinukoy rito na kung ang isang verified impeachment complaint ay inaprubahan ng 1/3 ng mga miyembro ng House of Representatives, ito ay dapat bumuo ng articles of impeachment at dapat aksyunan agad ng Senado.


Nakasaad sa liham na dapat ang katagang “forthwith” ay dapat ma-interpret sang-ayon sa verba legis rule o dapat mabigyan ng simple at ordinaryong kahulugan.

Batay pa sa Filipino translation, ang salitang “forthwith” ay “agad” at may mga kaparehong kahulugan na “madali”, “bigla”, “dagli” o “kara-karaka” na nangangahulugan ng agad na aksyon.

Ipinunto pa ni Pimentel na tungkulin ng Senado na aktuhan na agad ang impeachment case ni VP Duterte nang walang delay at sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments