
Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial presentation ng nilagdaang memorandum of agreement para sa Philippine Civil Service Digital Leadership Program.
Nakipagkasundo ang Civil Service Commission sa National University of Singapore’s Institute of Systems Science at sa Private Sector Advisory Council sa pamamagitan ng Private Sector Jobs and Skills Corporation (PCORP) para ilunsad ang programa.
Layon nitong pataasin ang kakaayahan ng mid-to-senior level public officials pagdating sa digital leadership.
Ito’y para matiyak na ang mga public official ay may sapat na kakayahan at kaalamang kinakailangan para sa epektibong pamumuno sa digital age.
Alinsunod din ito sa isinusulong na digital transformation sa gobyerno, na ginawang posible sa pamamagitan ng public-private academic partnership.