Senador, kinondena ang kapabayaan ng isang dog pound sa Masbate

Kinondena ni Senator Grace Poe ang nag-viral na video na pinabayaan lamang ang isang patay na aso sa loob ng dog pound sa Masbate.

Iginiit ni Poe na dapat mapanagot sa batas ang mga responsable sa pagpapabaya at sa pang-aabusong ito sa mga hayop.

Sinabi ng senadora na dapat magsilbing ehemplo ang mga local government unit (LGU) pound sa ibang humane animal facilities at marapat na sumunod sa Animal Welfare Act.


Batid ni Poe na nangyayari pa rin sa ilang mga barangay ang kapabayaan sa mga hayop sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Dahil dito, muling ipinanawagan ni Poe ang agad na pag-apruba sa panukalang batas na paglikha ng Animal Welfare Bureau bago matapos ang 19th Congress.

Ito ang magsisilbing primary guardian sa pangangalaga sa kapakanan ng mga hayop sa buong bansa na may sapat na resources at hihigpitan din ang parusang ipapataw sa mga mang-aabuso sa mga hayop.

Facebook Comments