
Cauayan City – Nakorner ng mga awtoridad sa isang entrapment operation ang isang 18-anyos na lalaki na tulak ng ilegal na droga sa Tuguegarao City.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, nakatanggap ng report ang ahensya kaugnay sa di umano ilegal na aktibidad ng suspek na kinilalang si alyas “MJ”, kaya naman kanila itong minanmanan.
Matapos na magpositibo, kaagad na nagsagawa ng entrapment operation ang kinauukulan nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang shabu na may bigat na 1.3grams at nagkakahalaga ng P8,840, at 712 grams ng hinihinalang Marijuana na nagkakahalaga naman ng P85,440.
Kaagad namang dinakip a ng suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.