
Nadiskubre ng mga awtoridad ang isang package na naglalaman ng shabu at kush na nagkakahalaga ng P5.6 million na halaga ng shabu na ipapadala sa isang simbahan sa Silang, Cavite.
Idineklara ang isang brown package declared na “1 X File with Documents” pero nang buksan ito ng mga awtoridad ay nadiskubre nila ang dalawang self-sealing transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na may bigat na 710 grams at nagkakahalaga ng P4,828,000.
Base sa record, ang bagahe ay mula Bulawayo, Zimbabwe.
Sa parehong araw, nadiskubre rin sa isang package na idineklarang naglalaman ng “CEACO Puzzles 500 pieces 4 included Food Trucks” na naglalaman ng kush ns may bigat na 540 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P810,000.
Base sa record, galing ang naturang parcel sa residential house sa Costa Mesa, Orange County, California sa USA at ipapadala sa isang condominium sa Pasig, City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID), National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (PAMDO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP).
Dinala na ang mga kontrabando sa BOC para sa isasagawang pagsusuri ng PDEA.










