SHABU SHIPMENT | PDEA, nagsampa ng kaso sa DOJ

Manila, Philippines – Kinasuhan sa Department of Justice ng Philippine Drug Enforcement Agency o pdea ang mga sangkot sa pagpuslit ng 350 kilos ng shabu na isinilid sa dalawang magnetic lifter.

Kasong paglabag sa ilang probisyon ng RA 9165 partikular ang conspiracy to import illegal drugs at posession of illegal drugs ang isinampa laban kina:
– Chan Yee Wa Albert alyas Albert Chan ng binondo maynila
– Zhang quan ng general mariano alvarez, cavite
– Traffic enforcer na Vedasto Baraquel Jr., ng Oriental Mindoro na sinasabing consignee
– Maria Lagrimas Catipan na residente rin ng Oriental Mindoro

Bubuo naman ang DOJ ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso.


Facebook Comments