Simulation exercises, isinasagawa ng PNP ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang nalalapit na holiday season.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kino-consolidate na nila ang kanilang unit sa nationwide security and public safety operations.

Sa mga ganitong panahon aniya, dapat nagsasagawa na ng mga pagsasanay, dry-run ng operational protocol at simulation exercises ang lahat ng PNP units.


Layon nitong matiyak na plantsado ang kanilang security plans at makapagsagawa ng adjustments kung kinakailangan.

Samantala, nanawagan din si Azurin ng tulong mula sa publiko para sa pagdaraos ng mapayapang Pasko ngayong taon.

Paliwanag nito, mahalagang may suporta na makukuha ang PNP mula sa publiko para maging matagumpay ang kanilang mga operasyon.

Facebook Comments