DTI, binabantayan ang mga pangunahing bilihin sa Palawan kasunod ng umiiral na state of calamity rito

Nais tiyakin ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar sa Palawan dahil sa umiiral na state of calamity dahil sa pagbaha.

Kasabay nito ay nagpataw na ang DTI ng 60 araw na price freeze sa mga apektadong lugar sa Palawan.

Bilang pagtugon sa Price Act kung saan ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi maaaring itaas habang umiiral ang state of calamity kagaya ng mga delata, gatas, kape, tinapay, sabon, instant noodle, at bottled water.

Babantayan din ng DTI Palawan kung magkakaron ng paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments