Umabot na sa siyam na barangay sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan ang nakapasa sa Grade 2 (G2) Basic Sanitation Status assessment sa ilalim ng Philippine Approach to Sustainable Sanitation o PhATSS ng Department of Health (DOH).
Batay sa anunsyo ng DOH nitong Oktubre 12, 2026, apat pang barangay sa nasabing bayan ang kinilalang nakapasa sa naturang assessment.
Kabilang dito ang Barangay Poblacion West, Sto. Domingo, San Jose, at Sto. Niño.
Dahil dito, ang Barangay ng San Antonio na lamang ang natitirang sasailalim sa validation ng DOH upang makumpleto ang proseso ng pagkilala sa mga barangay sa bayan.
Layunin ng G2 Basic Sanitation Status assessment, na bahagi ng PhATSS, na isulong ang napapanatiling sanitasyon at mapabuti ang kalagayan ng sanitasyon sa mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







