Tuesday, October 13, 2026

DEMAND SA MGA BULAKLAK SA DAGUPAN CITY, INAASAHANG LALAKAS SA PAPALAPIT NA UNDAS; MGA NAGPAPA-RESERBA, DUMARAMI

Inaasahang lalakas ang demand sa mga bulaklak sa Dagupan City sa papalapit na Undas, kasabay ng pagdami ng mga kumukuha ng reservation para sa paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Cristal Soy, isang flower seller, taon-taon nang tumataas ang pangangailangan sa mga bulaklak na iniaalay sa mga puntod ng mga namayapang mahal sa buhay tuwing sasapit ang Undas.

Dagdag pa niya, mayroon nang mga kostumer na nagpapareserba ng mga bulaklak para sa paggunita sa Araw ng mga Patay, at inaasahan pa nilang mas dadami ang mga ito sa mga susunod na araw.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa ₱350 hanggang ₱1,000 ang presyo ng mga bouquet o nakaayos na sariwang bulaklak, habang nasa ₱5 hanggang ₱150 naman kada piraso ang presyo ng mga bulaklak, depende sa uri at laki ng mga ito.

Dahil dito, hinihikayat ng mga nagtitinda ang publiko na bumili o magpareserba nang mas maaga upang makabili habang abot-kaya pa ang presyo ng mga bulaklak bago ang inaasahang pagdami ng mga mamimili sa Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments