WANTED PERSON SA BAYAN NG GAMU, ARESTADO SA COMELEC CHECKPOINT

Cauayan City, Isabela- Naaresto ang isang lalaking wanted person sa bayan Gamu bandang ala una ng hapon noong Martes sa nakatayon COMELEC Checkpoint sa kahabaan ng Gamu-Roxas Road, District 2, Gamu, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Lino”, 22-anyos, construction worker, walang asawa, at residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Gamu Police Station na patungo sa bayan ng Burgos ang suspek kaya’t agarang inalerto ang mga kapulisan na nakaduty sa nasabing checkpoint.

Nakumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek na agad inaresto ng mga awtoridad sa pangunguna ni PLt George Gines, Deputy Chief of Police.

Mayroong nakahain na Warrant of Arrest laban sa suspek na ipinalabas ni Hon. Angerico Ramirez, Judge ng 11th MCTC Gamu-Burgos, Gamu, Isabela sa kasong Attempted Homicide.

Nagkakahalaga naman sa P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang suspek.

Facebook Comments