STATIC DISPLAY, ISASAGAWA NG 5ID NGAYONG ARAW

21
Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-41 anibersaryo ng 5th Infantry “Star troopers” Division, Philippine Army sa Mayo 15, 2022 ay magsasagawa ay magsasagawa ng Static Display ang kasundaluhan bilang bahagi ng kanilang anibersaryo.

Ito ay may temang: “5ID @ 41: Kapayapaan Para Sa Lahat”.

Magsisimula ngayong araw, Abril 8, 2022 ang 3-day Static Display na gaganapin sa Northstar Mall, Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Matatapos naman ito hanggang Abril 10, 2022.

Bilang bahagi ng anibersaryo ng 5ID, magkakaroon ng Job Fair para sa mga nagnanais mapabilang sa hanay ng kasundaluhan; Libreng Medical check-up; Display ng ilang piling Army vehicle at equipment; at magkakaroon din ng mini concert.

Ang nasabing static display ay pagpapakita ng kakayahan ng mga miyembro ng Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army laban sa internal at external threats pangunahin na ang Terorismo, Cyber-attacks at maging ang mga kalamidad.



Ang nasabing aktibidad ay bilang paggunita na rin sa ika-80 anibersaryo ng “Araw ng Kagitingan” na ipinagdiriwang sa buong bansa tuwing Abril 9.

Facebook Comments