
Cauayan City – Nadakip ng mga awtoridad ang second offender na tinagurian ring street level individual sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Ugac Sur, Tuguegarao, Cagayan.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Paulo”, 21-anyos, binata, at residente ng nasabing lungsod.
Nasamsam mula sa suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang tunay na P1000 bill bilang buy-bust money, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Matapos ang isinagawang imbentaryo dinala ang suspek sa Tuguegarao Police Station para sa kaukulang dokumento.
Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments