Sunday, July 26, 2026

Pondo para sa relief at rescue operations sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, sapat pa —Malacanang

Tiniyak ng Malacañang na hindi kukulangin sa tulong at pondo ang mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Palace Press Claire Castro, may sapat na pondo ang gobyerno, kabilang ang quick response fund, upang tustusan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Maaaring gamitin ang pondo para sa pamamahagi ng relief goods, pagtatayo ng evacuation centers, search and rescue operations, at emergency medical assistance.

Sinabi rin ni Castro na inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya na tiyaking mabilis at maayos ang paghahatid ng tulong sa mga biktima habang patuloy na tinututukan ng Pangulo ang sitwasyon sa Mindanao.

Facebook Comments