VENDOR SA BALUNGAO, ARESTADO SA UMANO’Y BARIL AT SHABU RESIDUE

Arestado ang isang 34-anyos na vendor matapos umanong makitaan ng baril at hinihinalang shabu residue sa kanyang sasakyan sa Balungao Public Market noong Agosto 13.

Ayon sa Balungao Police, nagpapatrolya ang mga tauhan nito nang mapansin ang suspek sa loob ng sasakyan. Nakita umano rito ang tooter at sachet na may hinihinalang shabu residue.

Sa karagdagang beripikasyon, natagpuan din umano sa tabi ng driver’s seat ang kalibre .22 na revolver at limang bala.

Hindi umano nakapagpakita ang suspek ng kaukulang dokumento para sa baril.

Nasa kustodiya na siya ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng RA 10591 at RA 9165. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments