SURPRESANG INSPEKSYON SA MGA TIMBANGAN SA ASINGAN ISINAGAWA

22
Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga tauhan ng Municipal Economic Enterprise sa pamilihang bayan ng Asingan.
Layon nito na masigurong maayos ang timbangan ng mga nagbebenta sa meat at vegetable section.
Ayon naman sa alkalde ng bayan, maayos naman ang lahat ng mga ininspeksyon timbangan.

Ayon kay Market Supervisor Alejandro Torio ay nasa halos isandaang piraso ng weighing scale ang ininspeksyon at tama naman ang timbang.
Sa ngayon ay may dalawang timbangan ng bayan na makikita sa loob ng palengke, isa dito matatagpuan sa wet section at ang isa naman ay nasa makikita sa entrance ng pamilihang bayan. | ifmnews
Facebook Comments