TEMPORARY STEEL BRIDGE SA SAN JUAN, AGNO, BUKAS NA SA MGA RESIDENTE ‎

Hindi na raw mahihirapan si Kuya Roberto at mga kapwa residente sa Barangay San Juan, Agno sa pagtawid ilog para makarating sa kabilang barangay matapos na makumpleto ang konstruksyon ng temporary steel bridge bilang kapalit sa nasirang hanging bridge noong kasagsagan ng bagyon Emong.

‎Ayon sa kanya, malaking bagay ang isinagawang tulay para sa pag-angkat ng kanilang mga ikinabubuhay at para sa mga estudyanteng tumatatawid ng ilog araw-araw makarating lang sa paaralan.
‎‎

‎Sa muli ding pagbisita ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, sinuri nito ang katatapos na tulay na mainam nang magagamit ng mga residente matapos ang agarang pagsasagawa nito.

‎Laking pasalamat din ng mga residente sa mabilis na aksyon lalo ngayong nalalapit na maranasan ang madalas na pag-uulan at bagyo.


‎Inaasahang nasa higit isang libong residente sa Barangay San Juan ang makikinabang sa nasabing tulay.

‎Samantala, pinaplano na rin ang mas konkretong tulay sa nasabing bahagi kung saan maaaring makatawid na rin ang mas malalaking sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments