Trabaho ng COMELEC, apektado ng kakulangan ng commissioner

60

Aminado ang Commission on Election (COMELEC) na apektado sila sa kakulangan ng commissioner.

Kasunod ito ng pagkaka-bypass sa isa na namang commissioner ng poll body.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mahalagang kumpleto ang bilang ng kanilang commissioners bagama’t hindi nila maaring pangunahan ang appointing authority.


Si COMELEC Commissioner Nelson Celis ay kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na na-bypass ng Commission on Appointments (CA).

Facebook Comments