
Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na mareresolba nila ang lahat ng nakabinbin na isyu sa mga nanalong kandidato nitong 2025 midterm elections bago ang June 30.
Partikular ang mga nanalo na sinuspinde ang proklamasyon matapos ang resulta ng botohan.
Nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi lang ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon ang may kinakaharap pang reklamo sa komisyon.
Aniya, nasa 20 kandidato na hindi nila alam kung panalo o hindi ang suspendido ang proklamasyon dahil sa magkakaibang mga kaso.
Paliwanag ni Chairman Garcia, ilan sa mga kaso o reklamo nasa dibisyon pa lamang dinirinig pero kumpiyansa silang mareresolba ito kapag nakaabot na ng en banc.
Facebook Comments