Tugon ni VP Sara sa summons ng impeachment court, mahalaga para sa prosecution panel

Mahalaga ang tugon ni Vice President Sara Duterte sa summons na ipinadala ng Senate impeachment court noong June 12 kaugnay sa kinakaharap nitong impeachment case.

Binigyang diin ito ni House Committee on Good Governnment and Public Accountability Chairman at Manila Representative Joel Chua na isa ring miyembro ng House prosecution panel.

Ayon kay Chua, inaasahang laman ng magiging tugon ng kampo ng depensa ni VP Sara ang mga ebidensya nito ukol sa mga article of impeachment.

Samantala, inihayag naman ni House Spokesperson Atty. Princess Abante na bandang alas-3:53 ngayong hapon ay natanggap na ng House of Representatives ang kopya ng Answer Ad Cautelam ni VP Duterte.

Ang nabanggit na dokumento ay inihatid ng isang mensahero mula sa law firm na Fortun, Narvasa & Salazar.

Facebook Comments