TULONG | Malasakit Center binuksan ng pamahalaan sa Butuan City

67

Pinangunahan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang pagbubukas Malasakit Center sa Butuan Medical Center na ika-13 Malasakit Center na sa buong bansa.

Ayon kay Secretary Go, ang Malasakit Center na itinatayo ng Pamahalaan para mapagaan ang bigat na dinadala ng pamilyang Pilipino sa tuwing may nagkakasakit na miyembro nito.

Paliwanag ni Go, sa bawat nagkakasakit na miyembro ng pamilya ay nahihirapan ang bawat isa sa pagiisip kung saan kukuha ng pambayad sa pagpapagamot.

Kaya naman ipinagmalaki ni Go na isang one stop shop ang Malasakit Center na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte, para mapadali ang pagdadala ng tulong medical sa pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Go na 3 milyong piso ang ibinigay na inisyal a pondo ni Pangulong Duterte sa Malasakit Center sa Butuan Medical Center para ito ay makapagbigay na ng agarang tulong sa mga nangangailangang Pilipino.

Facebook Comments