UNANG BATCH NG DSWD FOOD PACKS SA BAYAMBANG, TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG HIGIT 2,000 BATA

Aabot sa 2,828 batang child development learners sa Bayambang ang makikinabang sa unang batch ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Alinsunod ito sa 180-day Supplementary Feeding Program ng ahensya.
Dumating ang unang batch ng food packs noong Agosto 11, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), bilang bahagi ng ika-16 na cycle ng programa.
Batay sa ulat, kinakailangang ang mga benepisyaryo ay naka-enroll sa 78 Child Development Centers (CDCs) sa buong Bayambang para sa School Year 2026–2027.
Ang naturang Supplementary Feeding Program ng DSWD ay isinasagawa para labanan ang malnutrisyon ng mga bata at mapaunlad ang kanilang kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments